(PhilStar) Mapapanood ng Pinoy fans ang pagrampa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe Competition sa ika-17 ng Mayo, Lunes, simula 8 a.m sa A2Z at may replay ng 10 p.m.
Gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA ang pageant naipalalabas rin sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel sa May 23 (Linggo), 9:45 p.m. na may livestreaming sa iWantTFC para sa mga manonood sa Pilipinas.
Mapapanood din ito sa Metro Channel sa cable TV sa May 24 ng 12 nn at 10 p.m., May 26 ng 5 p.m., at May 29 ng 8:30 a.m. Tubong Iloilo City si Rabiya, na patuloy na gumagawa ng ingay sa kanyang magagandang photo shoot at kasalukuyan nang nasa Amerika para sa pre-pageant activities.
Layunin ni Rabiya na magbigay saya at karangalan sa bansa sa kanyang paglaban upang maging ika-limang Miss Universe mula sa Pilipinas pagkatapos nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969)…. Read More