(PEP.ph) Nagbitiw sa kanyang tungkulin si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas dahil muli itong kakandidato bilang house representative ng 3rd District ng lalawigan ng Pangasinan at siya ang magiging kapalit ng nanay niyang si Congresswoman Rosemarie “Baby” Arenas.
Naghain ng certificate of candidacy si Rachel noong October 1 sa Commission on Elections sa Dagupan City kaya nagpaalam na rin siya sa MTRCB.
Ang MTRCB board member na si Consoliza Laguardia ang itinalaga bilang Officer-In-Charge ng nasabing government agency at nagsimula ang kanyang panunungkulan noong October 1, 2021.
Sanay na sanay si Laguardia sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya dahil nanilbihan siyang MTRCB Chair mula 2003 hanggang 2010.
Si Laguardia ang pinakamatagal na naglingkod bilang MTRCB Chair dahil tumagal ng pito at kalahating taon ang kanyang panunungkulan.
Sa pakikipag-usap namin kay Laguardia nitong Linggo ng hapon, October 10, iginiit niyang OIC lamang siya ng MTRCB… Read More