(Pep.ph) Pinangalanan ni Chie Filomeno, 25, si Alexa Ilacad, 21, bilang pinaka-bossy na housemate.
Pero paliwanag ni Chie, nasa pagkatao raw kasi ni Alexa ang pagkakaroon ng “authority.”
Sina Chie at Alexa ay parehong housemates sa ongoing Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at pareho ring Star Magic artists.
Na-evict na sa PBB house si Chie noong November 27, habang nasa loob pa rin ng Bahay ni Kuya si Alexa.
Ngayong Huwebes, December 9, guest si Chie sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.
Tinanong ng host na si Melai Cantiveros si Chie kung sino sa housemates ang “pinaka-bossy.”
Bago pangalanan, nagpaliwanag muna siya kung bakit ang housemate na ito ang kanyang napili.
Ani Chie, “Kasi naiintindihan ko yung pagiging bossy niya also.
“Kasi all her life, gusto niya talagang planned out din yung kung ano yung mangyayari.
“So, for me, si Alexa talaga.”
Hindi naman negatibo ang paglalarawan ni Chie kung bakit si Alexa ang napili niyang pinaka-bossy… Read More