(Pep.ph) Hindi nakaiwas ang beauty queen-actress na si Janelle Lewis sa tanong ng reporters tungkol sa kanila ni Kiko Estrada nang dumalo siya sa press preview ng pelikulang Takas sa Cinema ‘76 sa Aurora Blvd., Quezon City, noong Lunes, January 31. 2022 .
Napangiti ang 1st runner-up ng Miss World Philippines nang tinanong siya kung may boyfriend ba siya ngayon.
“Patay tayo diyan. Yes po,” parang nahihiya niyang sagot.
Alam niyang si Kiko ang tinutukoy namin.
Sinundan namin ng tanong kung gaano na sila katagal bilang magkasintahan.
“Na-caught off guard ako dun, a!” natatawa pa niyang pahayag.
“A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”
Gusto lang linawin ni Janelle na walang overlap dahil matagal na raw break sina Kiko at Heaven Peralejo bago sila nagkakilala.
“They were finished a few months before I came in to the picture,” sabi pa ni Janelle… Read More