(Pep.ph) Nagiging paboritong location ng shooting ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro, dahil sa kooperasyon ng alkalde nitong si Mayor Jennifer Mindanao-Cruz, o mas kilala bilang si Ina Alegre.
Noon pa man ay sinasabi na sa amin ni Mayor Ina na gusto niyang kumbinsihin ang mga producers na sa bayan niya sa Pola na mag-shooting para ma-promote na rin ang naturang lugar.
“Halos kumpleto kasi dito sa Pola.
“May dagat, may lawa, may talon, iba-ibang lugar, may mga old houses dito, na ang daming lumang bahay talaga na puwede nilang gamitin sa shooting.
“May kalye dito na halos isang barangay nga na mga old houses lahat nakatayo.
“May ibang may mga nakatira pa, ang iba wala na. Kasi nasa Manila na o sa abroad yung may-ari.
“Nakita niyo yung sa Bahay na Pula? Yan ang old house dito,” pagmamalaki ni Mayor Ina nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, February 25… Read More