(Pep) Itinuturing ni Alfred Vargas na malaking karangalan ang sinabi noon ni Cherie Gil na itinuturing siya ng veteran actress bilang isa sa mga paborito nitong kapareha.
Tandang-tanda pa ni Alfred na December 16, 2019 nang i-post ni Cherie sa Instagram ang litrato nila.
Ang nilagay na caption ni Cherie: “Happy to reunite with one of my favorite leading men and friend.”
Nagkatrabaho sila sa Kaputol, ang award-winning movie na pinagbidahan nina Cherie at Alfred. Si Alfred din ang producer ng pelikula.
“Hindi ko in-expect ang Instagram post niya noon. Naturally, isa talaga siyang kaibigan na masarap kasama at kakuwentuhan.
“World premiere yun ng Kaputol when she posted it. It made me very happy to be called one of her favorite leading men,” ang pahayag ni Alfred sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang balikan niya ang kuwento ng pagsisimula ng pagiging magkaibigan nila ni Cherie… Read More