pinay<3pinoy

pinoy.com
Go Close
  • Home
  • Trending
  • TopNotch
  • Media
  • About

Viva artist Christine Li denies being Chavit Singson’s girlfriend

Viva artist Christine Li denies being Chavit Singson’s girlfriend
(ABSCBN) Mariing kinondena ng Viva artist na si Christine Li ang kumakalat na espekulasyong siya ang bagong nobya ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Noong April 19, 2026, kumalat online ang video ni Chavit na nasa isang restaurant habang may katabi at ka-holding hands na babae.

Walang pagkakakilanlan ang nasabing babae sa video, ngunit tantiya ng netizens ay nasa edad 20 lamang ito batay sa hitsura at pananamit.

Malayung-malayo raw sa edad ngayon ni Chavit na 84, kaya naman napataas ang kilay ng ilang nakapanood sa video sa paniniwalang may espesyal na relasyon ang dalawa.

Kalaunan, isang Facebook page ang nag-post ng diumano’y pagkakakilanlan ng babaeng kasama ni Chavit sa video.

Ayon sa post, ang bagong nobya umano ng kilalang businessman ay walang iba kundi ang Viva actress na si Christine Li…. Read More

Post navigation

​Romualdez still in PH as camp plans to question hold departure order
Marcos says key suspect in Philippine corruption firestorm arrested
© 2026 pinay<3pinoy. All rights reserved.
TopNotch by Pinoy Media