
(PepPH) MANILA — Nahaharap sa 124 counts ng qualified theft ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini “Lakam” Chiu kaugnay ng umano’y pagkuha ng PHP44.396 million na corporate funds ng kanilang kompanyang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB).
Ito ang naging finding ng Office of the City Prosecutor of Quezon City matapos suriin ang mga salaysay at ebidensiyang isinumite kaugnay ng reklamo ni Kim laban sa kapatid.
Batay sa 21-page resolution ng piskal na natanggap ng PEP.ph at may petsang Setyembre 1, 2026, pormal na hinainan ng criminal Information si Lakam noong Hulyo 15, 2026.
Idinetalye sa resolution ang mga salaysay nina Kim, Lakam, at personal accountant ni Kim na si Helena Tayag… Read More
