(Pep.ph) Hindi nagpapigil si Barbie Imperial, 22, sa paghayag ng pagmamahal para sa kasintahang si Diego Loyzaga, 25. Kahapon, May 4, nag-post si Barbie sa Instagram ng mga litrato ni Diego kunsaan litaw sa ngiti nito ang lubos na kasiyahan.
May litrato ring magkasama silang dalawa at makikitang yakap siya ng nobyo. Caption ni Barbie, “If there’s something I wanna give you, I’d give you the ability to see yourself through my eyes so you know how special you are to me.”How happy my heart feels when I see you happy when I’m with you.” Komento ni Diego, “I love you my baby gurl [smile emoji] thanks for making my day.” DIEGO’S “BB GURL”
Tila isang buwang hindi magkikita sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga dahil sa kani-kanilang trabaho kaya miss na miss na nila ang isa’t isa. Noong April 27, unang nag-post si Diego ng sweet message para sa nobya. Ani Diego, “I’m gonna miss you BB gurl. See you in a month’s time. Do great at work today! Thank you to these beautiful people who made our last trip memorable.” Reply ni Barbie sa comments section: “See u sooon babe!!!! Am gonna miss ur hugs & smol kisses.”
Kalakip ng post ni Diego ay ilang couple photos ng magkasintahan na kuha sa isang boat. Kasama nila si Angelica Panganiban at non-showbiz boyfriend nitong si Greg Hoffman na taga-Subic. Si Angelica ay malapit na kaibigan ni Barbie… Read More