(PEP.ph) Tila isang basketball team ang dating ng sabay-sabay na paghain ng kandidatura ng mga kaalyado ni reelectionsit San Juan City Mayor Francis Zamora.
Kasama niya sa kanyang ticket ang malapit na kaibigan at PBA player na si James Yap, pati na rin ang dating PBA players na sina Paul Artadi at Don Gallado.
Namataan din sa grupo ang aktor at MPBL player na si Ervic Vijandre pati na rin si Macky Mathay.
Kakandidato sina James, Paul, Don, Ervic, at Macky bilang councilor sa San Juan.
Baguhang sasabak sa mundo ng pulitika sina James, Don, at Macky.
Si Ervic ay kumandidato sa pagkakonsehal sa Taguig City noong 2013 elections, pero hindi pinalad manalo.
Si Paul ay dalawang termino nang konsehal ng San Juan.
Bago naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections, sama-sama munang duminig ng misa ang kanilang grupo… Read More