(ABS-CBN) Bumuhos ang pagmamahal at pakikiramay ng mga Pilipino sa United Kingdom sa pagpanaw ni Prince Philip, Duke of Edinburgh, Biyernes ng umaga sa Windsor Castle.
“Prince Philip is one of the most loved member of the royal family and the Filipino community here in the UK joins the nation in mourning for this loss. He [had] a wicked sense of humor and some say, it’s a Filipino type of humor,” sabi ni Peps Villanueva ng Batangas Association.
Si Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth II, ang tinaguriang longest-serving royal consort.
Isang buwang naratay sa ospital si Prince Philip mula Pebrero para gamutin ang pre-existing heart condition at infection. Tatlong linggo mula nang lumabas sa ospital binawian siya ng buhay Biyernes ng umaga sa Windsor Castle sa edad na 99.
Matapos ang official announcement sa Buckingham Palace, bumuhos ang pakikiramay mula kay UK Prime Minister Boris Johnson hanggang sa world leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo… Read More