(ABS-CBN) Arestado ang 5 Koreano at 4 na Filipino na sangkot umano sa hacking at phishing operations sa Angeles City Lunes.
Inaresto ang 9 na suspek sa tatlong magkakaibang operasyon ng mga awtoridad.
Naaresto si Lee Sungbo, alyas Seven, sa Barangay Amsic. Nakuha mula sa kaniya ang 11 SIM cards, 7 cellphone, laptop, CPU, desktop computer, 3 SD cards, flash drive, 11 assorted bank/payment cards, unit bill counter, keyboard, monitor at iba pang gamit.
Sa Barangay Malabanias naman, nahuli sina Yoon Yoensu, Lee Junguk, Alyssa Payabyab Lee, Maiko De Luna Natividad, John Patrick Sotto Gonzales at Bong Baja Garcia.
Nakuha rin sa kanila ang iba’t ibang mga kagamitan tulad ng SIM cards, cellphones, desktop at laptop computers at mga notebook na may mga nakasulat na account details.
Arestado rin sina Lee Jaehun at Song Gil Sung sa hiwalay na operasyon.
Sangkot umano ang 9 na suspek sa hacking at phishing activities, kung saan binibiktima nila ang mga kapwa Koreano at US citizens… Read More