(PEP.ph) Umiiyak si Angel Locsin na humihingi ng paumanhin sa nangyari sa kanyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Abril 23, 2021, na araw rin ng kanyang birthday.
Sa panayam sa kanya ni Alvin Elchico sa TV Patrol kagabi, Angel held herself accountable sa mga nangyari. Inaako raw niya lahat at wala siyang ibang tinuturo na may kasalanan.
Pero halatang galit pa rin ang punong barangay ng Brgy. Holy Spirit na si Chito Valmocino nang nakapanayam naman siya sa radio program ni Cesar Chavez sa DZRH ngayong Sabado, April 24.
Masama ang loob ni Valmocino kay Angel at sa mga kasamahan nito dahil kulang daw ang koordinasyon sa kanila, lalo na nung dumami na ang mga tao.
Huli na rin daw noong nalaman niyang tatlong daan (300) na ayuda ang inihanda ni Angel sa araw na iyon, at nakikita na nilang hindi mabibigyan lahat ng taong pumila.
Sabi ni Valmocino, “Magulo at walang malinaw na coordination, kahit na po tinatanong paulit-ulit ng mga tao ko ay ayaw nilang sagutin.
“Nang dumating si Madam Angel, alas siyete siya dumating. Ang pila po ng tao nang siya ay dumating na at umikot po dun sa may St. Peter ay umaabot na po ng Litex, alas siyete pa lang ng umaga.
“Yung dinaanan niya na iyon, libu-libo na ang nadaanan niya sa Commonwealth at pagpasok niya ng Holy Spirit Drive, bakit hindi niya po sinabi na tatlong daan lang, at hindi siya kaagad humingi ng tulong sa barangay?
“Iyon po ang hindi ko maisip na kung sila ay may malasakit sa mga tao na galing sa iba’t ibang dako… Read More