(Pep.ph) Nagtapatan ang mag-amang Dennis Padilla, 59, at Julia Barretto, 24, tungkol sa mga hinanakit nila sa isa’t isa upang tuluyang maghilom ang sugat ng pagkakaroon nila ng broken family.
Sa vlog ni Julia nitong Sabado ng gabi, May 1, nagkaroon ng pagkakataon si Dennis na sabihin sa anak na biggest frustration niya noon na sarado ang komunikasyon niya kay Julia.
Lilipas daw ang tatlo o apat na araw na walang nagre-reply sa tuwing nagpapadala siya ng text message sa anak.
Si Julia ay anak ng dating mag-asawang sina Dennis at Marjorie Barretto. Ang dalawa pang anak nina Dennis at Marjorie ay sina Claudia at Leon.
DENNIS ON JULIA’S CHANGE OF NAME PETITION
Sa puntong ito naungkat ni Dennis na lubha siyang nasaktan noong panahong nais ipatanggal ni Julia ang apelyidong Baldivia.
Taong 2014 nang magsumite si Julia ng petisyon sa korte na palitan ang kanyang apelyidong Baldivia at gawin itong Barretto.
Baldivia ang tunay na apelyido ng ama ni Julia na si Dennis.
Nais daw ni Dennis na direktang makausap si Julia para kausapin ito tungkol sa isyu, pero wala raw sumasagot sa makailang-beses niyang padala ng text messages.
Kalmadong lahad ni Dennis: “Actually, ang babalikan ko dun, Julia, ganito iyan… Remember yung issue na tinatanggal niyo yung family name ko?
“Di ba, you went to court that you want to take off my family name? That was a dagger.
“Hindi lang dahil sa pangalan yun, ha? It’s not the pangalan itself, that’s my blood. Kaya masakit yun.
“Kasi kumbaga, ano pa ba gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, e. You are already well known as a Barretto. Bakit mo tatanggalin yung apelyido ko?”
DENNIS ON HIS TWO MARRIAGES
Ipinaliwanag ni Julia na ang pinag-ugatan kaya nais niyang magpalit ng apelyido ay dahil naging “illegitimate children” daw sila ng kanyang mga kapatid nang mapawalang-bisa ang kasal ni Dennis sa ina nilang si Marjorie Barretto.
Ito ay sa kadahilanang kasal si Dennis sa unang asawa na si Monina Gatus bago pa ikinasal sina Dennis at Marjorie noong 1997.
Ipinaliwanag ni Dennis na hindi raw valid ang wedding ceremony nila ni Monina dahil “nahuli” ang nagkasal na Christian pastor sa kanila na “illegitimate” ang pagiging wedding minister nito.
Ayon kay Dennis, alam daw ni Marjorie ang tungkol sa kanyang previous marriage bago sila ikinasal.
Napag-alaman din daw noon ni Dennis na hindi narehistro ang unang kasal niya dahil nakakuha siya ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) mula sa National Statistics Office noong magpapakasal sila ni Marjorie.
Hanggang sa naghiwalay raw sila ni Marjorie noong Good Friday ng April 2007 ay lehitimo ang church wedding ng mag-asawa.
Noong panahong iyon ay papatapos na ang third term ni Dennis bilang konsehal sa Caloocan City, at si Marjorie naman ang tumatakbo bilang konsehal para sa May 2007 elections.
Hiwalay na raw si Dennis kay Marjorie nang pirmahan niya ang dokumento para ma-recognize ang anak niya kay Monina na si Dianne.
Balik-tanaw ni Dennis: “E, ang dami kong pinipirmahang mga papel, including the council resolution at iba pang dokumento. There’s a paper that I signed that Dianne is my daughter… Read More