(PepPh) Direct assault at driving without license ang mga kasong isinampa ng Manila Traffic and Parking Bureau laban sa modelong si Pauline Mae Altamirano.
Si Altamirano, 26, ay inaresto kahapon, May 27, dahil sa pananakit niya kay Marcos Anzures, ang traffic enforcer na sumita sa kanya habang nagmamaneho siya ng Fortuner vehicle sa Malate, Manila.
Kaagad nag-viral ang video kung saan makikita ang paglapastangan, pagmumura, at pananakit ni Altamirano kay Anzures na nagtamo ng mga sugat sa mukha.
Inaresto si Altamirano ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT). Pero hindi natapos ang isyu sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya dahil napag-alamang drug courier siya.
Live na napanood sa Facebook page ni Manila City Mayor Isko Moreno ngayong Biyernes ng hapon, May 28, ang pagharap nito sa tatlong most wanted suspects na may bitbit na illegal drugs at naaresto sa Maynila.
“Hindi naman kayo sasakotehin kung walang ebidensiya laban sa inyo. Ang titigas ng mukha niyo, sa Maynila niyo pa ginagawa. Hindi pa kayo nadala,” sabi ni Isko sa mga dinakip na suspects.
Mariing itinanggi ng isa sa mga suspek ang paratang laban sa kanya dahil driver lamang daw ito ng inarkilang van.
Pero hindi na siya nakapagsalita nang sabihin ni Mayor Isko: “Itinuro agad nga kayo [ng mga kasama mo], hindi pa nga pinipitpit ang mga bayag ninyo.
“Kaya pala malakas ang loob nung babae. Maraming pera kaya nanggugulpe ng enforcer.
“Isokpa niyo sa oblo ‘yan [ipasok niyo sa loob]. Ang lalakas ng loob niyo.
“Talagang sa Maynila niyo gagawin. Susunduin niyo yung drugs, ha?
“Bakit kayo umiiyak? Kapag nasa labas kayo, ang tatapang n’yo.”
Natuklasan ng MPD- SMaRT ang koneksiyon ni Altamirano sa mga dinakip na drug suspects dahil sa palitan ng mga text message sa cellphone.
Napag-alaman din ng MPD-SMaRT na inarkila lamang ni Altamirano mula sa isang residente ng Clark, Pampanga ang Fortuner na minamaneho niya nang sitahin siya kahapon.
Ayon kay MPD-SMaRT Chief Col. Risalino Ibay, may nakuha silang illegal drugs sa bag ni Altamirano na ihahatid sana nito sa kanyang kausap, pero nasita siya ng traffic enforcer dahil sa beating the red light violation… Read More