(PEP Philippines) Roasted animals from the Safari? These are lechon that were painted to look like a leopard and a tiger (left photo). Designs can be customized with dedications or shapes and lines to achieve a unique look.
Swak na swak sa panlasa ng mga netizens ang mga nag-viral na lechon dahil sa kakaibang itsura.
Nagmistula kasi silang mga safari animals!
Ito ang pakulo ng 3A’s Letchon mula sa Danao City, Cebu.
Para maiba, naisipan ng may-aring si Anna Marie Batucan na kulayan at pintahan ang mga lilitsuning baboy para magmukhang ibang hayop, katulad ng leopard at tiger.
Puwede ring sulatan ang mga lechon ng dedication para mas personalized.
Puwede ring pintahan ng logos ng kilalang luxury brands para magmukhang mamahalin.
Favorite color mo ang green? Puwedeng gawing a la Incredible Hulk ang lechon.
Kuwento ni Anna Marie sa GMA News, “Nagsimula po akong mag-customize ng lechon nung nag-green lechon na po ako.”
“Pero nauna yung greetings sa lechon, kasi may mga nagpapa-surprise, may mga broken-hearted na gustong i-surprise yung crush nila.”
Pero ano ang pangkulay na ginagamit nila sa lechon para matiyak na safe ito?
Sagot ni Anne Marie, tinta ng pusit.
“Di ba, iba ang amoy noon? Ikaw na magluto noon para mawala yung lasa,” aniya tungkol sa pagtitimpla ng pangkulay.
Pero paano naman ang kulay berdeng lechon?
“’Yung green lechon, emerald green. Pinaghalong pandan leaves and lemon grass,” nakangiting pagbabahagi ng may-ari.
Aniya, matagal na oras ang ginugugol nila sa pagkukulay at pagpipinta para maging mas makatotohanan… Read More