(Pep.ph) Pumanaw ang beteranong broadcaster at dating press secretary na si Ricardo “Dong” Puno, Jr. ngayong araw ng Martes, Pebrero 15, 2022.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Puno bandang 12:15 kaninang tanghali dahil sa isang karamdaman.
Siya ay 76 taong gulang.
Si Dong ay nagsilbing host sa ilang dekalibreng public affairs programs sa GMA-7, ABS-CBN, at TV5.
Nagsimula ang kanyang TV career sa bakuran ng GMA-7, kung saan siya ang host ng Viewpoint (1984-1994) at Business Today (1990-1994).
Kabilang naman sa mga programa niya sa ABS-CBN ang Dong Puno Live (1995-2005), Dong Puno Tonight (2003), at Insider (2005-2006).
Nanungkulan din siyang senior vice president ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Naging bahagi rin siya ng TV5 at Aksyon TV kung saan napanood siya sa mga programang Kalibre 41 (2011), News5 Debates: Hamon Sa Pagbabago (2011-2013), at Dong Puno De Kalibre (2011-2013).
Pansamantalang nilisan ni Dong ang mundo ng telebisyon nang itinalaga siya ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang press secretary taong 2000… Read More