(PEP.ph) Love at first sight ang naramdaman ni Mike Rivera nang mapuntahan ang lupang tinitirikan ngayon ng kanyang container van house sa Calamba, Laguna.
“Raw land. As in, bukid ito, e. Farmland. As in walang kalye, walang tubig, walang kuryente,” paglarawan ni Mike sa panayam ng Summit OG.
Nasa gitna man ng bukid ang kanyang bahay, tanaw naman mula sa third-floor deck ang napakagandang view ng Mount Makiling.
“But when I saw the place, when I saw the view, I fell in love. Wow, ganda. I guess mukhang nakita ko na yung gusto ko.”
Bago siya nagdesisyon na magpatayo ng container van house sa paanan ng bundok, “700 feet above sea level,” nakatira si Mike sa Makati City.
Hindi raw siya nagtataka kung bakit, sa kanilang apat na magkakapatid, ang tatlo ay nakatira sa Calamba.
“Between living there [city] and living here [Calamba], it’s a world of difference.
“Kasi doon mainit. Puro semento. Di fresh air,” aniya ukol sa siyudad.
“Unlike dito, malamig. So anlayo talaga, and then super tahimik.”
Kaya naman ibinenta na nila ang kanilang properties sa siyudad at nagpasya si Mike na manirahan na rin sa probinsiya… Read More